Mga Halimbawa Ng Sawikain Mga 20
Mga halimbawa ng sawikain mga 20
Answer:
1. Abot-tanaw
Kahulugan: Naaabot ng tingin
Halimbawa: Aking napagtanto na tayo pala ay abot-tanaw ng Panginoon.
2. Agaw-dilim
Kahulugan: Malapit nang gumabi
Halimbawa: Agaw-dilim nang umuwi si Ben sa kanilang bahay.
3. Alilang-kanin
Kahulugan: Utusang walang bayad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang suweldo.
Halimbawa: Si Rowena ay alilang kanin ng kanyang Tiya Ising.
4. Amoy pinipig
Kahulugan: Mabango, nagdadalaga
Halimbawa: Amoy pinipig si Julie.
5. Amoy tsiko
Kahulugan: Lango sa alak, lasing
Halimbawa: Amoy tsiko ng umuwi si Alex sa bahay.
6. Anak-dalita
Kahulugan: Mahirap
Halimbawa: Marami akong kaibigan na anak-dalita.
7. Anak-pawis
Kahulugan: Manggagawa, pangkaraniwang tao
Halimbawa: Ako ma'y anak-pawis rin.
8. Asal hayop
Kahulugan: Masama ang ugali
Halimbawa: Hindi lahat ng mayaman ay asal hayop.
9. Balat-kalabaw
Kahulugan: Matapang ang hiya
Halimbawa: Balat-kalabaw na talaga kahit noon pa.
10. Balik-harap
Kahulugan: Mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran.
Halimbawa: Bakit kaya may mga taong balik-harap?
11. Balitang kutsero
Kahulugan: Maling balita / Hindi totoong balita
Halimbawa: Magaling sa balitang kutsero si Mang Victor.
12. Bantay-salakay
Kahulugan: Hindi mapagkakatiwalaan
Halimbawa: Akala mo'y mabait ngunit bantay-salakay naman pala.
13. Basa ang papel
Kahulugan: Bistado na
Halimbawa: Basa na ang papel ng prinsipal ang inyong ginawa kaya huwag na kayong magsinungaling.
14. Basag-ulo
Kahulugan: Away
Halimbawa: Mahilig sa basag-ulo si Paking.
15. Bilang na ang araw
Kahulugan: Malapit ng mamatay
Halimbawa: Bilang na ang araw ni Aling Linda.
16. Buhok anghel
Kahulugan: May magandang buhok
Halimbawa: Si Kat ay may buhok anghel.
17. Bukal sa loob
Kahulugan: Taos puso tapat
Halimbawa: Bukal sa loob ni Henry ang pagtulong asa kapwa.
18. Bukang liwayway
Kahulugan: Malapit nang mag-umaga
Halimbawa: Hindi namalayan ni George ang oras kaya bukang-liwayway na ng siya'y makauwi.
19. Bukas ang isip
Kahulugan: Tumatanggap ng opinyon ng kapwa
Halimbawa: Mabuti na lamang at bukas ang isip ni Abel sa mga usaping iyan.
20. Bukas na kaban
Kahulugan: Mapagkawanggawa
Halimbawa: May bukas na kaban si Aling Tasya sa mga mahihirap.
Explanation:
Comments
Post a Comment